-- Advertisements --
Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online sellers na nagapatupad ng “no video, no refund policy”.
Nakarating kasi sa kaalaman ng ahensiya ang nasabing polisiya kung saan dapat ay i-video ng mga buyers ang natanggap nitong order online at kung ito ay depektibo ay maaaring ibalik at bayad dahil may ebidensiya.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na isang paglabag na ang “No Return, No refund o exchange” na napapaloob sa Consumer Act of the Philippines.
Pinaalalahanan nito ang mga consumers na agad isumbong sa kanilang opisina ang anumang kahalintulad na inuutos ng mga online sellers para kanilang masampahan ng kaukulang kaso.