Mahigpit ang ginagawang pagbibigay babala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na maging maingat sa mga binibili nilang mga produkto partikular na ang mga appliance.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na sa loob lamang ng tatlong buwan ay nakakumpiska sila ng halos P90 milyon na mga appliances at ibang mga gamit na walang certification.
Ilan sa mga lugar na nilusob ng kanilang Task Force Kalasag ay mula mga bodega na matatagpuan sa Valenzuela City, Bulacan at Tanza, Cavite.
Karamihan aniya sa mga produkto ay ibinebenta online sa ilang mga sikat na shopping sites.
Nadiskubre rin na ang mga produkto ay walang Philippine Standard mark o Import Commodity Clearance sticker na nangangahulugan na hindi nagbayad ng buwis ang mga ito at ang mga ito ay mapanganib na gamitin.