-- Advertisements --
Mapapabilis na ang paghahain ng reklamo ng mga consumers sa mga depektibong produkto na kanilang nabili.
Ito ay matapos na ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Consumer Complaint Assistance and Resolution System.
Sa nasabing web-based platform ay magiging fully automated na ang paghahain, mediation at adjudication ng mga ipinaparating na reklamo ng mga consumers.
Maari na ring ireklamo online ang mga malpractice at substandard o hazardous products imbes na magtungo pa ang mga ito sa DTI Offices.
Magugunitang inamin ng DTI na mula ng pumasok ang pandemiya ay pumalo sa 15,000 average ang kanilang natatanggap na reklamo.
Tumaas aniya ang mga reklamong natatanggap ng DTI dahil sa pagsulpot ng mga online sellers.