-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drugs Administration (FDA) sa mga negosyante na isalin sa wikang tagalog o English ang mga imported products.
Ayon sa DTI na kung dati ay pawang mga produkto lamang ngayon ay dapat pati mga signages, billboards, resibo, price tags sa lahat ng mga supermarkets at department stores.
Sinabi naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na unfair sa mga mamimili na hindi nila mainitindihan ang kanilang mga produktong binibili.
May mga nasita na ang DTI na mga ilang Chinese restaurants sa Las Pinas City dahil sa kawalan ng English translation ng signages at sa kanilang mga menu.