-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO=Nagsagawa ng Financing Forum at Basic Food Safety Orientation ang Department of Trade and Industry (DTI) – Cotabato Province katuwang ang Cotabato Province Investment and Promotions Center (CPIPC) sa Provincial Pavilion, Amas, Kidapawan City.
Layunin nito na matulungan ang mga negosyante at farmers kung paano makaka-access sa mga loan facility windows ng Department of Agriculture- Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) at ng Small Business Corporation ng DTI at upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa mga prosesong dapat gawin sa pagpaparehistro sa FDA.
Ang nasabing aktibidad ay isang inisyatibo sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza.