-- Advertisements --
image 16

Nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na maisama ang mga probisyon sa sustainable packaging sa mga implementing rules and regulations ng proposed Internet Transactions Act.

Ito ay sa gitna ng pangangailangan na bawasan ang labis na plastic waste mula sa mga produkto na inorder online.

Napag-alaman kasi na ang ilang mga online sellers ay gumagamit ng masyadong maraming bubble wrap sa pagpapadala ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, dapat na sundin ang mga tuntunin kapag nakumpleto na ang balangkas para sa nasabing panukalang batas.

Sinabi ni Pacheco na para maging matagumpay ang mga pagsusumikap sa maintenance nito, ang mga manufacturers at mga mamimili ay kailangang gawin ang kanilang bahagi.

Matatandaan na una nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Internet Transactions bill, na papalapit sa pagpasa ng isa sa mga priority legislative measures ng administrasyong Marcos.