-- Advertisements --

Nakatakdang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang agricultural terminal.

Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, na sa mga susunod na araw ay magtutungo ito sa Nueva Vizcaa para sa paglunsad ng Nueva Vizcaya Agriculturel Ternminal.

Layon ng nasabing terminal ay para masolusyunan ang price gap sa pagitan ng mga producers at mga consumers.

May ugnayan din sila sa Philippine Competition Commission para labanan ang maling gawain ng mga negosyante sa pagpapataas ng mga presyo ng kanilang produkto.

Mayroon ding mga digital app silang ilulunsad na Philippine Ecommerce Platform para mapalawak ang merkado ng mga nasa micro, small and medium enterprise (MSME).