-- Advertisements --

Nasa 13,000 ang natanggap na reklamo ng Department of Trade and Industry (DTI) na may kinalaman sa online transaction.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, 985 dito ay mula sa Enero hanggang Marso at lumubo ito sa 13,674 noong Setyembre 25.

Karamahan sa mga reklamo ay mga depektibong produkto, 13.86 naman ang may kinalaman sa panlilinlang ng seller, hindi tamang pagbebenta ng produkto.

Tiniyak naman ng DTI na kanilang tinutugunan ang lahat ng mga reklamong ipinaparating sa kanilang opisina.