-- Advertisements --

Hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Department of Health (DOH) na magtakda sila ng suggested retail price ng mga face shields.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, nakipag-ugnayan ito sa DOH para sa nasabing usapin lalo na at ito ay ipapatupad na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan.

Tiniyak naman ng DTI na kanilang kakasuhan ang mga hoarders at ang mga nananamantala sa nasabing pagbebenta ng mga face shields.

Dagdag pa nito na tumaas na ang presyo ng faceshields na mula sa dating P18 ay naging P40 na ito.

Hinikayat rin ng kalihim ang mga mamamayan na kung maaari ay gumawa na lamang sila ng sarili nilang faceshield na magiging tipid at mura pa.