Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamamayan na isumbong ang mga kainan na hindi nag-iimplementa ng health protocols gaya ng hindi paghahanap ng mga vaccination card sa mga nagsasagawa ng inddor dining.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na dapat bawat mga restaurant ay mayroong nakatalagang full-time safety and health protocol officers na sila ang magpapaalala sa mga customers nila ng mga panuntunan.
Maari rin isumbong sa kanila kapag nakita rin nila ng hindi nagsusuot ng face mask o walang social distancing ang mga empleyado ng mga kainan.
Agad aniya nilang tinutugunan ang mga sumbong sa kanilang hotline na 1384 kung saan kanila itong mahigpit na bineberipika bago gumawa ng hakbang laban sa inirereklamong establisyimento.