-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamamayan na huwag mag-panic-buying dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na hindi dapat bumili ng maramihan ang mga mamamayan para gawing stock matapos ang napabalitang pagsagawa ng lockdown sa Metro Manila.

Tiniyak naman nito na may sapat na suplay ng alcohol at face mask sa bansa.

Pinaalalahanan din nito ang mga negosyante na huwag magtaas ng presyo dahil sa ipinapatupad na “price freeze” ng magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng public health emergency dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.