-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na hindi nila basta-basta mapapalayas ang mga nangungupahan sa kanilang mga bahay.
Ayon sa DTI na ang moratorium sa mga pagbabayad ng rentals ganun din ang mga evictions ay pinalawig ngayong general community quarantine sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.
Dapat aniya na bigyang ng mga negosyante ng 30-araw na grace period para mabayaran ang kanilang pagkakautang at ito ay babayaran na kapag matanggal na nag quarantine.
Ang nasabing kautusan ay base na rin sa nilalaman ng resolution ng Inter-Agency Task Force on Emergency Infectious Disease.