Nangako ng suporta ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa construction industry ng bansa.
Ito ay kasabay ng pagnanais ng ahensiya na mapataas pa ang kontribusyon ng naturang ahensiya sa paglago ng ekonomiya ng bansa, sa tulong na rin ng iba’t-ibang inobasyon.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Agaton Teodoro O. Uvero, malaki ang potensyal ng construction industry para sa global digital transformation at sustainable development ng ekonomiya ng Pilipinas.
Nananatili aniya ang naturang industriya bilang pangunahing kliyente ng mahigit 60 industry sectors, katulad ng mineral products, rubber, steel, plastic, atbp.
Ayon pa sa DTI, ang naturang industriya ay isa sa mga ‘consistent’ sector sa bansa na may magandang performance, kasabay na rin ng patuloy na pagbangon ng bansa mula sa naging epekto ng pandemiya.