-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry (DTI) na mapapalakas pa ang pagkilala sa mga produkto sa bansa.

Kasunod ito sa pagkakaroon ng kasunduan ng Pilipinas at gobyerno ng Chile ng free trade agreement.

Sinabi ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque na ang ginawang pirmahan nila ni Minister of Foreign Affairs Alberto van Klaveren ng Chile ay siyang simula para mapalawig pa ang economic relations ng dalawang bansa.

Ilan sa mga sakop ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) ay ang digital economy, labor, trade and gender, intellectual property rights at iba pa.

Tiwala ito na sa nasabing kasunduan ay mas mapapalawig pa ang produkto ng bansa.