-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na ms magiging strikto ang kanilang ahensya sa pagpapatupad ng mga maximum suggested retail price (MSRP) sa mga basic commodities sa mga pamilihan.

Ayon kay DTI Sec. Maria Cristina Roque, magdadagdag sila ng mga personel na iikot sa mga palengke at ilang supermarkets sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa bahagi ng National Capital Region (NCR) para magsagawa ng monitoring at eneforcement.

Aniya, nakasubaybay rin ang departamento sa mga presyo kung saan araw-araw din aniyang may magchecheck kung nasusunod nga ba talaga ang mga itinalagang presyo sa mga basic commidities.

Patuloy din na sinisiyasat ng ahensya kung may ilan pa bang matigas ang ulo na sumusuway sa ipinatupad na MSRP’s.

Samantala, patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa Department of Agriculture (DA) para matiyak na nasususnod din nila ang mga inisyatibo nito para sa ikakabuti ng agriculture sector lalo na para mas maging abot-kaya para sa mga mamimili ang presyo ng mga naturang produkto.