-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotions ang panukalang adobo standard at hindi ito mandatory standard sa mga kabahayan.
Ayon sa DTI na ang panukala na magkaroon ng standard recipe para sa mga pagkaing Pinoy gaya ng adobo na magkaroon ng traditional recipe ay naisip para ma-promote ito sa ibang bansa.
Paglilinaw pa ng ahensiya na bawat lugar ay may kaniya-kaniyang diskarte sa pagluto ng sikat na pagkaing Filipino.
Magugunitang bumuo ang Bureau of Philippine Standards (BPS) ng DTI ng technical committee para ma-standardize ang mga pagkaing Filipino.
Bukod sa adobo plano din ng BPS na mgkaroon ng standard na pagluluto ng ilang putahe gaya ng sinigang, lechon at sisig.