BAGUIO CITY – Ininspeksiyon ng Department of Trade and Industry (DTI) Cordillera ang mga hardwares sa Baguio City.
Ayon kay Atty. Samuel Gallardo, chief Industries Development Specialist ng DTI-Cordillera, sa pamamagitan ng nasabing inspeksiyon ay masisiguro nilang wala sa mga hardwares sa lungsod ang lumalabag sa batas ng tamang presyo.
Aniya, dito rin madidiskubre kung may magbebenta ng mga peke at substantard na mga hardwares products.
Gayunman, ipinagmalaki niya na wala silang nainspeksiyon na hardware store sa Baguio na nagbebenta ng peke o substantard na mga construction materials.
Papalawigin din aniya ang mahigpit nilang pagpapatupad ng inspeksiyon na kanilang sinumulan kahapon, July 5.
Ipinapaalala pa ni Atty. Gallardo na mapapawalang bisa ang business permit ng mga lalabag sa batas at pwede pang mamulta ang mga ito ng aabot sa P150,000.