-- Advertisements --

Nakatakdang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang national strategy para sa development ng local halal industry.

Layon nito ay makalikom ng P230 bilyon sa investment at makagawa ng 120,000 na trabaho sa nasabing sektor sa loob ng limang taon.

Ayon sa DTI na ang nasabing plano ay para matugunan ang tumaas na demand para sa halal products at serbisyo mula sa domestic market ng Pilipinas at 57 na bansa.

Sinabi pa ni Trade Secretary Alfredo Pascual na dahil sa lumalaking Muslim population na aabot sa 1.9 bilyon ay may estimate sila na aabot sa $7.7 trillion ang market value ng global halal market.