-- Advertisements --
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga nagbebenta ng mga substandard na mga Christmas lights at mga dekorasyong pampasko na dekuryente.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na may mga tauhan na silang umiikot sa iba’t-ibang pamilihan sa bansa para isagawa ang inspeksyons.
Ang mga nakitaan ng mga paglabag ay kanilang kinukumpsika ang mga bentang substandard na Christmas ligths at binibigyan ng notice of violations ang mga may-ari ng mga tindahan.
Dagdag pa ng kalihim na isa sa mga sanhi ng sunog ay ang paggamit ng mga substandard na mga pailaw.