-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamamayan na maging maingat sa pagbili ng mga Christmas lights.
Ayon sa ahensiya na dapat tignan ng mga mamimili ang Philippine Standard (PS) certifications para sa mga gawa sa Pilipinas at Import Commodity Clearance (ICC) para sa mga imported na mga Christmas lights.
Sinabi ni Bureau of Philippine standards Director ng DTI Neil Catajay na mayroon na silang inilabas na mga listahan ng mga listahan ng mga brands na mayroong ICC at PS mark.
Makikita aniya ang nasabing listahan sa kanilang official website.