-- Advertisements --
Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) na mag-isyu ng suggested retail price sa tuwing may kalamidad lamang.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles kanilang pag-aaralan ang posibleng pagpapanatili ng nakagawiang regular na pag-iisyu ng SRP o kapag mayroong kalamidad lamang kung saan ipinapatupad ang price freeze.
Sa ganitong kaso aniya, wala ng SRP bulletin at hahayaan na lamang ang merkado na magpasya sa presyo tulad ng free-market style.
Ang naturang plano ay kabilang sa tinalakay sa pagpupulong ng National Price Coordinating Council nitong nakalipas na araw.