Pinayagan ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtaas ang presyo ng mga produktong pang-Noche Buena.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na hinayaan nilang gumalaw ang presyo ng nasabing mga produkto dahi umano kabilang ang mga ito sa basic o prime commodities.
Noong 2019 pa aniya ito huling nagtaas ang presyo.
Pero pagtitiyak nito na magiging maliit lamang ang pagtataas ng presyo ng mga nito.
Humirit na rin ngayong buwan na magtaas din ng presyo ang ilang manufacturer ng mga panimpla, canned tuna, pasta, biscuits, frozen meats at gatas.
Ayon naman kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua na mahalaga ang pagtaas ng ilang mga produkto dahil dito umano nila kukunin ang mga pambayad nila ng 13th month pay para sa kanilang mga manggagawa.