-- Advertisements --

Naglabas ng kautusan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na dapat tanggapin ang mga barya na ibinabayad ng kanilang mga customers.

Ayon sa DTI na hinihikayat nila ang mga mamimili na gamitin ang mga baraya gaya ng P0.25, P0.10 at P0.05 bilang pambayad.

Maging ang mga natuping bagong P1,000 na pera ay dapat tanggapin din ng mga negosyante.

Lahat aniya ng mga ito ay legal na pambayad sa anumang bilihin at hindi dapat tanggihan ng mga negosyante.