-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry ang publiko na maging mapanuri sa mga binibili nilang paputok.

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na dapat laging tignan ng mga mamimili kung mayroong PS marks ang mga paputok na kanilang binibili para maging ligtas ang kanilang pagsindi sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kapag may mga PS mark aniya ay nakakatiyak na ito ay rehistrado sa kanilang opisina at sumusunod sa itinakda nilang panuntunan.

Paliwanag nito na hindi binabantayan ng DTI ang presyo ng mga paputok at ang kanilang binabantayan ay kung mayroong karampatang PS mark ang mga ito.