-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na amyendahan ang Republic Act 8293 o ang Intellectual Property (IP) Code of the Philippines.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na kaniyang irerekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ilang mga pagbabago para maging mahigpit na maipatupad ang IP Law.
Dagdag pa nito na kahit na mayroon ng batas sa bansa ay mahalaga na magkaroon ng pagbabago para lalong mapalakas ang pagpapatupad ng batas.
Layon nito ay para mabigya ng proteksyon ang may-ari ng intellectual property laban sa mga pamimirata at pamemeke.