-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na bawasan ang mga bayad sa RT-PCR tests.
Ayon sa DTI na kanilang inaayos na ang ilang patakaran para sa mas mababang presyo ng mga antigen at PCR test.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castello na posibleng mabawasan ng hanggang P300 ang dating P900 na halaga ng antigen test.
May mga ilang konsiderasyon pa silang inaayos para sa nasabing pinal na computations.
Wala rin aniya silang inilabas na presyo ng COVID-19 test kits dahil sa dalawang brand pa lamang ang naaprubahan.