Plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na bawasan ang bilang ng mga nasa listahan ng suggested retail price (SRP).
Ayon sa DTI na ang nasabing plano ay naipresenta nila sa ginawang special meeting ng National Price Coordinating Council.
Sinabi naman ni DTI Secretary Alfredo Pascual na layon ng nasabing proposal ay para magkaroon ng improvements ganun din ng saysay at silbi ng mga SRP bulettin.
Ilan sa mga nais nilang tanggalin ay ang condensed milk, evaporated milk, coffee refils, kandila, asin, bottled water, condiments, baterya at iba pa.
Ang nasabing proposed streamlined SRP ay nakatuon sa sardinas, powdered milk, tinapay, laundry soap, instant noodles, processed at canned pork, beef, poultry meat at toilet soap.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc., Philippine Association of Stores, mga may-ari ng karenderya, Department of Social Welfare and Development at ang Philippine Statistics Authority.