-- Advertisements --

Plano ngayon ng Department of Trade and Industries (DTI) na tanggalin na ang limitasyon sa mga pagbili ng mga produkto.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na nabubuksan ang ekonomiya ng bansa at nanunumbalik na rin ang suplay ng mga produkto sa merkado.

Dahil sa may sapat ng produkto ay nabawasan na ang reklamo ng panic-buying.

Magugunitang nagpatupad ang DTI ng limitasyon ng pagbili sa ilang produkto gaya ng alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquid, toilet paper, face masks, sardinas instant coffee at iba pa dahil sa kakulangan ng suplay bunsod ng ipinapatupad na lockdown mula pa noong Marso.