-- Advertisements --
Nagpaalala ngayon ang DTI na simula sa July 21 o Martes ay pinapayagan na ang mga restaurants at fastfood business na mag-serve ng lahat ng uri ng pagkain, inumin pati na ang alcoholic drinks.
Ang paalala ng DTI ay matapos ilabas nila ngayon ang implementing rules and regulations.
Kaugnay nito, papayagan na rin ang mga restaurants at fastfood na magtagal ang operasyon ng hanggang alas-11:00 ng gabi.
Samantala, pinakiusapan din naman ng DTI ang mga LGUS na mag-adjust ng kanilang curfew hours ng alas-12:00 ng hatinggabi para naman mabigyan ng kaluwagan ang dine-in services at dagdag pagkakitaan ang mga manggagawa.