-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukala mula sa mga grupo ng mga negosyante na magbigay ng regalo sa mga empleyado ng mga private firms na magpapaturok ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na walang silang plano na magbigay ng anumang passes para sa agad na mabigyan ng pagkakataon ang mga establisyemento ang mabakunahan ang kanilang mga empleyado.
Dagdag pa nito na tinitingnan nila ngayon ang pagbibigay ng benepisaryo na maaaring ialok sa mga private sectors para sa mga matuturukan ng bakuna.
Paglilinaw pa nito na kailangan pa ito ng aprubal mula sa technical group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.