Sinuportahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang panukala na gawin na lamang voluntary ang pagsusuot ng face shield.
Inamin ng kalihim na maging sa pagpupulong Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay isinulong na rin na maging voluntary na lamang ang face shield.
Aniya, sa katunayan maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay pabor din na hindi na maging mandatory ang pagsusuot sa face shield.
Gayunman kahit nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila, nananatili pa ring mandatory ang pagsusuot ng face shield lalo na sa mga matataong lugar o closed area.
Samanala, welcome rin naman para sa DTI chief na ibaba na rin ang alert level sa NCR na lalo umanong makakatulong upang makarekober ang mga negosyo para sa ating mga kababayan.