Nangako ng suporta si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa mga grupo ng mga real estate at builder/construction companies.
Bahagi ng commitment ng ahensya, ayon kay Sec Pascual, ay ang pagpapadali sa mga regulatory process para sa kinukuhang license at permit sa mga housing programs.
Maliban dito, tiniyak din ng kalihim na tatanggalin ang mga hindi importanteng dokumento at mga proseso, sa kabuuan ng license and permit applications.
Ayon kay Sec. Pascual, ang mga naturang hakbang ay maaari ring magpapababa sa presyo ng pagpapagawa ng mga bahay sa buong bansa.
Nangangahulugan ito aniya ng mas murang pabahay para sa publiko.
Samantala, batay sa plano ng Chamber of Real Estate and Builders’ Associations (CREBA), nais nitong makapagpatayo ng hanggang 500,000 housing units sa kada taon sa loob ng 20 years.
Ayon kay Sec. Pascual, ang DTI ay nakasuporta rin sa naturang plano.