LEGAZPI CITY – Stable pa umano ang presyo ng mga basic at prime commodities sa pamilihan ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Bicol information officer Jocelyn Berango, hindi maaring gumalaw ang presyo ng mga ito at magtaas ng walang abiso sa ahensya.
Aminado naman si Berango na magkakaroon ng epekto ang isyu sa African Swine Fever sa ilang processed pork products subalit wara pang pagtaas sa kasalukuyan.
Maging ang sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ayaw pang mag-speculate ni Berango lalo na kung hindi naman nararamdaman ang pagbabago.
Nabatid na ngayong araw ang naging adjustment ng bigtime oil price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, kung valid at justifialble naman aniya ang rason, saka lamang maglalatag ng Suggested Retail Prices (SRPs) sa mga commodities.