-- Advertisements --
Sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ng mahigpit na pagbabantay sa mga iba’t-ibang pangunahing pamilihan sa bansa.
Ayon kay DTI Acting Secretary Cristina Roque., na mayroon silaing uganayan ng iba’t-ibang local price councils para tulungan sila na mapanatili ang patas na presyo at ang maprotektahan ang mga consumers mula sa dumaraming hindi rehistradong negosyo.
Dahil sa mga naranasang mga bagyo at inaasahang pagdating pa ng mga sama ng panahon ay nais nilang tiyakin na mayroong sapat na suplay ng mga tinatawag na basic necessities at prime commodities.
Maging ang mga inilagay nilang ‘timbangan ng bayan’ ay kanilang nababantayan para matiyak na hindi ito nadadaya.