-- Advertisements --
Sinuspendi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng vape products online.
Ito ay matapos maglabas ng direktiba si Trade Secretary Alfredo Pascual kaugnay dito sa layuning mapaigting pa ang regulasyon ng isang industriya.
Ayon naman sa kalihim, ito ay pansamantalang suspensiyon hanggang sa makumbinsi ng e-marketplace na sila ay tumutugon sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng Republic Act No. 1190 o ang vape law at iba pang mga batas.
Ipinaliwanag din ng DTI chief na ang pag-suspendi sa pagbebenta online ng vapes ay pangunahing nagbunsod sa panawagan na itigil ang pagbebenta ng vape products sa mga menor de edad at tiyaking ang mga ibinibenta online ay pasok sa safety standards na itinakda ng batas.