-- Advertisements --

Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hakbang na pagbabawal ng pagbebenta ng mga sigarilyo at alak sa mga hindi rehistradong online sellers.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na dapat pagbawalan ang mga online sellers na magbenta ng alak at sigarilyo kapag wala silang profile ng kanilang buyers para matiyak na hindi menor de edad ang mga ito.

Nakikipagtulungan na rin sila sa Department of Finance sa pagbuo ng sistema para sa online selling platform na matiyak na mairehistro ito sa DTI at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nauna rito iminungkahi ni DOF Secretary Carlos Dominguez na pagbawalan ang pagbebenta ng sigarilyo at alak para matiyak na walang menor edad ang bibili.