-- Advertisements --

Tinanggal na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang limitasyon ng mga nabibiling food products sa mga supermarkets.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na base sa kanilang ginagawang pagkuha ng report kada linggo ay nakita nilang may sapat na suplay ang mga raw materials at hindi na magkakaproblema pa ng suplay ng mga pagkain.

Dagdag pa nito na may mga sapat na stock ang mga suppliers at kayang punan ng mga manufacturers ang mga pagkukulang.

Paglilinaw naman nito na patuloy pa rin ang pinaiiral na limitasyon sa mga pagbili ng mga disinfecting alcohol, hand sanitizers , disinfecting liquids at mga face masks.

Ito ay para matiyak na palagiang may suplay ang mga ito sa pamilihan.

Inihalimbawa nito na dapat ang mga N95 at N88 na face masks ay limitado lamang sa 1 box ng 50 piraso ang dapat ibenta sa isang tao habang hangagng limang bote sa 1 litro na alcohol habang hanggang tatlong bote ng alcohol kapag mayroong mahigit isang litro ang laki nito.