Inalmahan ng ilang manufacturers sa bansa ang hindi pagpayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa hirit nilang dagdag presyo sa ilang mga bilihin.
Sinabi ng DTI na hanggang sa pagtatapos ng taon ay walang dagdag presyo sa mga pangunahing bilihin gaya ng sardinas, kape, noodles at iba pa.
Isa sa mga dahilan na nakita ng DTI ay ang maraming lugar kasi sa bansa ang sinalanta ng mga magkakasunod na bagyo.
Labis naman ang kalungkutan ng grupo ng mga mag-sasardinas sa bansa.
Ayon kay Francisco Buencamino ang executive director ng Canned Sardines Association of the Philippines, na mahigit dalawang taon na silang walang taas ng presyo.
Mararapat aniya na maintindihan ng gobyerno na patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials na ginagamit sa paggawa ng sardinas.
Ganun pa man ay umaasa ang grupo nila na sa susunod na taon ay maaprubahan na ang kanilang hirit na dagdag presyo.