Mahigpit ng Department of Trade and Industry (DTI) na kanilang babantayan ang pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Metro Manila.
Ang nasabing kautusan ay kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos na isailalim sa State of Calamity ang Metro Manila.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual na layon ng price freeze ay para maprotektahan ang mga consumers mula sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin ngayong panahon ng krisis.
Nais tiyakin ng ahensiya na mananatiling abot-kaya ang mga bilihin para sa mga apektadong pamilya.
Sakop ng price freeze ay ang mga sumusunod, bigas, mais, tinapay, gulay, karne ng baboy, baka, manok, itlog, gatas, kape, asukal, mantika, asin, sabong panlaba, kahoy na panggatong, uling, kandila at ilang mga gamot na kinikilalang essential ng Department of Health.