Sa kabila ng pangamba na muling tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng La Union, tiniyak ng Department of Trade and Industry na nananatili itong stable sa ngayon.
Ayon sa ahensya, kinabibilangan ito ng mga basic necessities and prime commodities
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng naging pag-iikot ng kanilang mga tauhan sa ilang mga supermarket at groceries sa San Fernando City, La Union.
Layon nito na ma monitor ang kasalukuyang presyo matapos ang naging epekto ng naturang sama ng panahon.
Bukod dito ay nilalayon ng hakbang na ito na mabantayan ang mga pamilihan kung sila ba ay sumusunod sa itinalagang SRP.
Ayon sa ahensya, lahat ng mga pamilihan ay pasok sa SRP .
Hinimok rin ng ahensya ang publiko na I ulat ang mataas na presyo ng mga bilihin sa kanilang ahensya at kaagad silang tutugon.