-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin kahit na palawigin pa ang ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at sa karatig na lalawigan nito.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte, na hiniling nila sa Inter-Agency Task Force na payagan ang mga food manufacturer na mag-operate para matiyak na mayroong laman ang mga supermarkets at mga public markets.

Nagsagawa naman ng adjustments ang mga may-ari ng mga supermarkets sa oras ng kanilang operasyon para makauwi ng maaga ang kanila ng empleyado dahil sa ipinapatupad na curfew.

Magugunitang maraming mga nag-panic buying sa NCR, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan matapos na ianunsiyo na isasailalim ang mga ito sa ECQ.