-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa hanggang sa katapusan ng 2024.
Sinabi ni DTI Secretary (DTI) Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque , na maging ang mga Noche Buena products ay wala ring pagbabago sa presyo nito.
May ilang tumaas sa Noche Buena products subalit ito ay hindi lalagpas ng limang porsyento.
Nilinaw naman nito na ang mga bahagyang pagtaas ng ilang produkto na inimplementa ay siyang adjustments dapat mula pa noong nakaraang taon.
Ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga pagtaas ng mga raw materials para sa mga imported goods.