LEGAZPI CITY – Wala umanong dapat na ipangamba ang publiko kaugnay ng posibleng scenario na kakulangan ng face mask dahil sa pangangailangan ng mga apektado ng Taal eruption at bahagi ng preventive measures sa novel coronavirus (NCoV).
Paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol na hindi kabilang sa basic commodity ang face mask habang matutukoy agad ang mga nagpapataas ng presyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Bicol information officer Jocelyn Berango kahit mayroong coronavirus scare sa ngayon, wala pa aniyang nakikitang paggalaw sa presyuhan.
Una na ring nangako ang mga manufacturers na walang magiging pagbabago sa presyo ng mga produkto.
Maliban sa manufacturers, mayroong mga organisasyon na nagtatahi ng mga face masks na mas makapal pa ang tela kaysa sa tipikal na mabibili.
Kasabay ng paalala ang paghahalimbawa sa 16 na business establishments na kinasuhan dahil sa hindi makatarungan na pagtataas-presyo ng face masks.