-- Advertisements --
red onions

Nagsasagawa ng facts finding ang Department of Trade and Industry (DTI) para malaman ang puno’t dulo ng pagtaas ng presyo ng sibuyas.

Pinag-aralan ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang presyo ng sibuyas sa retailer at kung magkano ang bili nila sa supplier sa kaniyang ginawang price monitoring sa Guadalupe Market.

Maliban dito, nakipag-ugnayan na rin ang DTI sa Department of Information and Communications Technology para sa gagawing National Monitoring System na tutukoy sa sitwasyon ng supply and demand ng mga produkto sa bansa.

Sa ngayon, target ng mga kinauukulang ahensiya na bibisitahin ang mga wholesalers upang ma-trace kung saan nagkakaroon ng malaking pagtaas ng presyo ng sibuyas.