Sa gitna ng nakaambang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila, nakahanda ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ng tulong sa mga negosyong maaaring magkaproblema sa implimentasyon nito.
Ayon kay Secretary Alfredo Pascual, nakahanda ang DTI na makipag-kolaborasyon sa mga government agencies upang i-monitor ang impact ng wage increase, at upang magabayan ang mga negosyante para magkaroon ng maayos na proseso sa implementasyon ng bagong wage order.
Katwiran ng kalihim, mahalagang mabalanse ang pangangailangan ng mga mangagawa at ang sustainability o pagtutuloy-tuloy ng operasyon ng mga negosyo na mag-iimplenta sa bagong wage hike.
Malugod namang tinanggap ng kalihim ang bagong wage order.
Ayon sa kalihim, napapanahon ang paglalabas nito kasabay ng tuloy-tuloy na pagtaas ng gastusin ng bawat isa.
Sumasalamin din ito aniya sa commitment ng pamahalaan na mapagbuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa.