-- Advertisements --
Walang nakikita ang Department of Trade and Industry (DTI) na pagtaas ng mga pangunahing bilihin ilang araw bago ang Pasko.
Sinabi ni Trade Secretary Crisitina Roque, na lahat aniya ng mga manufacturers ay nakiisa sa mga consumers para hindi maging pabigat sa panahon ng kapaskuhan.
Pagtitiyak niya na regular silang umiikot sa iba’t-ibang mga pamilihan para matiyak na walang pagtaas ng presyo.
Patuloy din ang ginagawang pagpapaalala ng DTI sa mga consumers na kung maaari ay maaga ng bumili para hindi na makipagsiksikan pa.