-- Advertisements --

Matagumpay na naidepensa ni Dricus Du Plessis ang kaniyang UFC middleweigth world title.

Ito ay matapos ang fourth-round submission ni ex-champion Israel Adesanya sa main event ng UFC 305.

Sa unang round sabay na nagpalitan ng suntok at sipa.

Pagdating ng ikalawang round ay nakapagtala ng takedown si Du Plessis at tinangkang i-choke si Adensaya subalit ito ay nakaligtas.

Dahil sa panalo ay mayroong 22 panalo at dalawang talo si Du Plessis habang si Adensanya ay mayroong 24 na panalo at apat na talo.