-- Advertisements --

Nakuha ng Dubai ang Guinness World Records sa pagkakaroon ng may pinakamataas na fountain.

Matatagpuan ito sa 7,327 square meter na Palm Fountain sa Nakheel Malls.

https://www.instagram.com/p/CGp7DF-nXTa/?utm_source=ig_embed

Ang taas umano ng tubig mula sa fountain ay aabot sa 105 meter kung saan pinapaganda pa ito ng mahigit na 3,000 multi-coloured LED.

Nagkaroon ng mga fireworks displays at pagtatanghal ng mga music DJ ang pormal na pagbubukas ng nasabing fountain.

Ang nasabing record ay dagdag lamang sa 220 World Records ng Dubai gaya ng pagkakaroon ng pinakamataas na gusali ang Burj Khalifa na mayroong taas na 828 meter, pinakamalaking indoor ski slope, highest tennis court, largets chocolate mosaic at fastest police car in service.