-- Advertisements --

Naka-isolate na ngayon si Duchess of Cambridge Kate Middleton matapos na makasalamuha ang isang COVID-19 positive.

Ayon sa tagapagsalita ng Kensington Palace na noong nakaraang linggo ay nakasalamuha nito ang isang COVID-19 positive kaya bilang pag-iingat ay minabuti nila na ito ay mag-isolate.

Nilinaw din nila na wala itong anumang naramdamang sintomas kaya minabuti nilang mag-isolat muna.

Dahil sa insidente kinansela nila ang ilang mga lakad at engagement.

Si Kate ay asawa ni Prince Wililam na apo ni Queen Elizabeth II.