-- Advertisements --

Nabura na umano ang mga pagdududa sa pananaw ukol kay Pangulong Rodrigo Duterte na pababayaan nito ang isyu sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, matapos marinig ang naging talumpati ni President Duterte sa UN General Assembly, kung saan iginigiit ang bisa ng napanalunang arbitral ruling sa permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands noong 2016.

Ayon kay Lacson, ang mga Filipino mula sa iba’t-ibang political faction ay tiyak na nagalak din sa matatag na pagbibigay diin ng ating pangulo para sa ating posisyon sa West Philippine Sea.

Hangad nito na sana raw ay narinig at naintindihan ng malinaw ng China ang nasabing mensahe.

“Alipin no more! Hearing the President invoke the Award before the UN General Assembly while firmly rejecting any attempt to undermine it should now erase doubts on where he stands regarding the West Philippine Sea issue.
Filipinos from both sides of the political aisle should feel proud hearing the President express his strong and unequivocal position on the WPS issue. His statement should erase all doubts on where he stands.
More importantly, I hope that China heard the President’s message loud and clear,” wika ni Lacson.